Ipinasa ng House Committee on Information and Communications Technology (ICT) sa ilalim ni Rep. Victor Yap (Tarlac, 2nd District) sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na nagkakaloob ng libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5225 o “Free Public Wi-Fi Act,” titiyakin ng gobyerno ang libreng wireless Internet connection sa mga pampublikong lugar, gaya ng mga tanggapan ng pamahalaan, pampublikong paaralan, state universities at colleges (SUCs), pampublikong aklatan, parke, barangay center, pambayang ospital at klinika, at mga pampublikong terminal ng sasakyan.

Noong Lunes, inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang katumbas na batas nito – ang Senate Bill No. 1277 o ang Free Internet Access in Public Places Act. (Bert De Guzman)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?