Madonna, Stelle at Estere. copy

OPISYAL nang NYC school kids ang kambal ni Madonna.

Ibinahagi ng singer ang larawang kuha sa unang araw ng kanyang adopted twin sa pre-school. Pareho ang suot nina Esther at Stella, 4, at nakangiti habang hawak sila ng kanilang nakatatandang kapatid na si David Banda, 11. May iba pang mga anak si Madonna na sina Lourdes, 20; Rocco, 16; at Mercy, 11

“How Im Gettin through Monday!!” caption ni Madonna sa litrato. “First Day Of School Faces!”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Pumapasok ang kambal, na inampon ni Madonna nitong nakaraang buwan mula sa Malawi, sa paaralan na mayroong foreign language program – katulad ng kanilang mga kapatid.

Ang kakayahan ni Madonna na makapagbigay ng maayos na edukasyon sa kambal ang naging pangunahing rason kung bakit inaprubahan ng hukom ang pag-aampon sa kanila ng singer. Saad sa ruling ng hukom, “There is no doubt that the petitioner can offer the infants not only the best education money can buy, but also guidance with a high likelihood of ensuring that the two infants grow to be self-sufficient adults.”

Nagbahagi na si Madonna ng ilang video at larawan ng kambal sa kanilang unang buwan sa United States.

(Yahoo Celebrity)