Isang barangay kagawad ang dinukot ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Malita sa Davao Occidental, iniulat ng pulisya kahapon.

Kaagad kumilos ang crisis committee ng pamahalaan upang mailigtas si Luis Angos, kagawad ng Barangay Little Baguio sa Malita.

Ayon kay Chief Insp. Samson Kimayong, hepe ng Malita Municipal Police, binihag si Angos ng mga rebelde sa Sitio Paglidong sa nabanggit na barangay.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na biglang pumasok ang mga rebelde sa bahay ni Angos at sapilitan itong tinangay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa sa report na hindi pa matiyak ng pulisya kung ano ang motibo sa pagbihag kay Angos ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Committee Front 72, sa pangunguna ng isang Kumander Cocoy.

Kaagad namang nakipagpulong si Davao Occidental Gov. Claude Bautista mga miyembro ng crisis committee para magsagawa ng negosasyon sa NPA upang ligtas na mapalaya ang kagawad. (Fer Taboy)