Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng job at livelihood fair para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

Sa Marso 28 itinakda ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) sa Quezon City ang job fair para sa mga umuwing OFW mula sa siyam na naluging kumpanya sa Saudi Arabia. Ang mga pauwi pa lamang na OFW ay maaaring magparehistro sa Overseas Workers Welfare Administration.

“This is part of our continuing effort to help our OFWs especially those who lost their jobs in Saudi Arabia,” ani Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, may 20 ahensiya para sa overseas employment, at 20 employer sa local placement ang imbitado sa okasyon at agad na tatanggap ng mga aplikante sa lugar. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji