Iniutos kahapon ng Office of the Ombudsman na isailalim sa 90-day preventive suspension ang dating konsehal at ngayo’y hepe ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng San Juan City dahil sa kasong technical malversation.
Inilabas ng anti-graft court ang kautusan laban kay Dante Santiago batay sa kahilingan ng Office of the Special Prosecutors (OSP) upang hindi nito maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa kasong inihain laban sa kanya.
Si Santiago ay kasamahang akusado ni Senator JV Ejercito sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019) at technical malversation dahil sa maanomalyanng pagbili ng P2.1 milyon baril noong 2008 para sa San Juan City-PNP.
Inabsuwelto na ng korte si Ejercito sa kasong graft. (Rommel P.Tabbad)