Tutulong ang gobyerno ng China sa pagpapagawa ng dalawang drug rehabilitation center sa Mindanao bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte kontra droga.

Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, magpapatayo ng dalawang may 150 bed capacity na drug rehabilitation center sa Agusan del Sur at Sarangani.

Nilagdaan ni Jin Yuan, Chinese Business and Commercial Counselor to the Philippines, at ng mga kinatawan mula sa gobyerno ng Pilipinas ang mga dokumento sa pagpapagawa sa dalawang drug rehabilitation center.

Nobyembre ng nakaraang taon nang makumpleto ang konstruksiyon ng 10,000-bed rehabilitation center sa Nueva Ecija.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinimulan ang konstruksiyon ng mega rehab center ilang linggo makaraang bumisita si Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial sa Beijing noong Setyembre, nang lagdaan ng pribadong real state developer na si Huang Rulun ang Deed of Donation para sa 100,000 metro kuwadrado na rehab center.

Si Huang ay mayroong 20 five-star hotel at 10 shopping mall sa China. Isa siyang pilantropo na nakatala sa Hurun Global Chinese Philanthropy List sa 13 magkakasunod na taon. (Roy C. Mabasa)