INDIA (AFP) — Nadiskubre ng mga scientist sa India ang isang pares ng red algae fossil na nasa 1.6 bilyong taon na ang edad, na maaaring pinakamatandang plant-like life na nadiskubre sa Earth, saad sa isang pag-aaral nitong Martes.

Sa kasalukuyan, ang pinakamatandang red algae na naitala ay nasa 1.2 bilyong taon na ang edad, saad sa dokumento na inilabas sa PLOS Biology journal.

Madalas na pagdebatehan ng mga scientist kung kailan nagsimula ang buhay sa Earth, ngunit nagkakasundo na naging pangkaraniwan ang malalaking multicellular organism halos 600 milyong taon na ang nakalilipas.

Ang tuklas na ito ay maaaring magtulak sa mga eksperto na baguhin ang tree of life, sinabi ng pinuno ng pag-aaral na si Stefan Bengtson, professor emeritus ng paleozoology sa Swedish Museum of Natural History.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“The ‘time of visible life’ seems to have begun much earlier than we thought,” aniya.

Ang mga fossil ay nadikubre sa sedimentary rocks sa Chitrakoot, central India.