Pitong testigo pa ang maglalahad ng kanilang nalalaman hinggil sa Davao Death Squad (DDS).

Ayon kay Senator Antonio Trillanes IV, sa publiko ilalahad ng mga ito ang kanilang nalalaman.

Aniya, lima sa mga ito ay miyembro ng DDS at ang dalawa naman ay nasa kategorya ni Edgar Matobato, ang self-confessed hitman ng DDs.

Ang dalawa, ayon pa kay Trillanes ay testigo naman sa mga pagpatay na sinabi ni Matobato at ni retired SPO3 Arthur Lascanas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"All of them would confirm what retired SPO3 Arturo Lascañas and Matobato said and they'll be coming up with specific incidents that's peculiar to their own testimonies," sabi ni Trillanes.

Aniya, ang iba sa mga testigo ay lumapit sa kanya, at ang iba naman ay nagpatulong sa Simbahan.

Si Trillanes ang nanguna sa pagdala kina Matobato at Lascañas sa Senado, pero tinapos na ang pagdinig.

"We've already rejected a couple... because while they may be telling the truth, there is a possibility that they can get by the other side, they can get swayed by the persuasions of the other side," ani Trillanes.

Iginiit ni Trillanes na hindi siya titigil sa paglalantad sa mga kabuktutan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nauna na niyang inakusahang may mga tagong yaman. (Leonel M. Abasola)