UNITED NATIONS (AFP) - Muling inaatake ang mga karapatan ng kababaihan sa buong mundo, babala ni UN Secretary-General Antonio Guterres nitong Lunes sa pagsisimula ng dalawang linggong kumperensiya sa United Nations upang palakasin ang pagsusulong sa gender equality.

“Globally, women are suffering new assaults on their safety and dignity,” ani Guterres sa pagbubukas ng taunang pagtitipon ng Commission on the Status of Women sa UN headquarters sa New York.

“Some governments are enacting laws that curtail women’s freedoms. Others are rolling back legal protections against domestic violence.”

“Women’s rights are human rights -- and attacks on women are attacks on all of us. This is why we have to respond together,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Itinakda ng United Nations na maabot ang gender equality sa buong mundo sa pagsapit ng 2030.

Sinabi ni UN Women executive director Phumzile Mlambo-Ngcuka sa pagpupulong na higit na mahalaga ngayon na maprotektahan ang sexual at reproductive rights ng kababaihan.

Nakatuon ang pagtitipon ngayong taon sa economic empowerment ng kababaihan sa trabaho, at sa pay inequality ( o hindi pantay na suweldo ng babae) at lalaki at paid parental leave.

Sa kanyang talumpati, tinawag ni Mlambo-Ngcuka ang pay gap na “daylight robbery.” Aniya, ilang henerasyon na ng kababaihan ang pinagnakawan ng kita, seguridad sa kinabukasan at pantay na suweldo.

“Each year, they work three months more than men for equivalent pay,” diin niya.

Kinagabihan, nakiisa ang Oscar-winning American actress na si Patricia Arquette at Olympic gold medalist at soccer star Abby Wambach sa paglulunsad ng “#StopTheRobbery” campaign upang itaas ang kamalayan sa gender pay gap.

“Women can’t wait anymore,” sabi ni Arquette.