Pinagtibay sa botong 22-0-0 sa Senado ang resolusyon sa pakikiisa sa Accession to the Paris Agreement.

Layunin ng kasunduan na malimitan ang average global temperature sa “well below two degrees Celsius above pre-industrial levels and to pursue efforts to limit the temperature increase to 1.5 degrees Celsius above pre-industrial levels.”

Una nang nagpahayag si Pangulong Duterte ng pagkontra sa international agreement dahil ang mahihirap na bansa lang, aniya, ang magpapasan sa mga gawain sa paglilinis ng kapaligiran, na napinsala ng polusyon mula sa mauunlad na bansa.

Ang pinagtibay kahapon ay ang Senate Resolution 320 na mag-eendorso sa international agreement.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sinabi ni Sen. Loren Legarda, chairwoman ng Senate Subcommittee on the Paris Agreement sa ilalim ng Committee on Foreign Relations, na ang pagratipika ng Pilipinas sa kasunduan ay magbibigay ng malinaw na mensahe sa mundo sa patuloy na pakikiisa ng bansa para sa paghubog ng daigdig na habang panahong matitirahan ng sangkatauhan.

“Our nation bears the brunt of climate change even if we are among those who contributed the least to the crisis,” sabi ni Legarda.

Alinsunod sa agreement, nagkasundo ang mauunlad na bansa na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) upang magkaloob ng tulong pinansiyal na gugugulin ng umuunlad na bansa sa paglaban sa climate change at adaptation.

Ayon sa agreement, ang emissions reduction o mga programa para sa adaptation ay boluntaryo at tutukuyin ng bawat bansa.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na wala nang iba pang treaty na mas mahalaga “than the one which outlines the steps for mankind’s survival.” (Mario B. Casayuran)