SAN MIGUEL, Bulacan – Sugatan ang isang pulis makaraang hagisan ng granada ng hindi nakilalang mga suspek ang patrol base ng Provincial Public Safety Company (PPSC) sa Barangay Bulato, San Miguel, Bulacan, bandang 7:30 ng gabi nitong Lunes.

Ayon sa paunang imbestigasyon, lulan sa isang hindi natukoy na sasakyan ang mga suspek na huminto sa harap ng tanggapan ng 2nd Manuever Platoon ng Bulacan-PPSC para maghagis ng granada.

Inaalam na ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek sa pagpapasabog, na ikinasugat ni PO1 Nelson Mendoza, makaraang tamaan ng shrapnel sa binti at paa. (Freddie C. Velez)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar