Muling nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko laban sa mga indibiduwal na nagpapanganggap o ginagamit ang pangalan ng mga matataas na opisyal ng kagawaran para manghingi ng pera o pabor.

Naglabas ng memorandum si Public Works Secretary Mark Villar matapos mapaulat na may mga nagpapanggap bilang si Senior Undersecretary Rafael C. Yabut o nagpapakilalang tauhan ni Undersecretary Karen Olivia Jimeno at naghahanap ng mga contractor para sa mga proyekto ng DPWH.

Nilinaw ng ahensiya na ang mga invitation to bid ay inilalathala sa pahayagan at sa website ng DPWH at hindi ibinabalita sa pamamagitan ng tawag sa telepono at text message. Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga opisyal at empleyado ang anumang pagso-solicit o paghingi ng donasyon. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'