Hiniling kahapon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Office of the Ombudsman na kasuhan sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Budget secretary Florencio Abad ng technical malversation at paglabag sa anti-graft law kaugnay sa ilegal na paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sa paghahain ng motion for reconsideration (MR) na nilagdaan din ng ibang complainant, sinabi ng mambabatas na dapat ihabla sina Aquino at Abad ng technical malversation dahil sila ang namamahala sa pambansang budget at sila ang mga may-akda ng DAP, na nagresulta sa ilegal na paglilipat ng mga pondo.

Iginiit pa ni Zarate na dapat ding panagutin si Aquino sa krimen na usurpation of legislative powers at hindi si Abad lamang.

“Hindi naman puwedeng ang pangunahing nagpatupad ng krimen ang siya pang ‘di napaparusahan. Magiging walang katuturan ang kasong ito,” diin niya. (Jun Ramirez)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon