Jessy at Luis copy

SUMMER na at at magbabakasyon na ang mga estudyante kaya halos lahat ay nagpaplano na kung paano makakatakas sa init at polusyon ng mga siyudad at kung saang lugar magpapalamig.

Ang celebrities, karaniwa’y nagbabakasyon sa malayong lugar para sulitin ang pahinga at pagod sa trabaho.

Halimbawa, si Luis Manzano, kahit nakapagbakasyon na sa Thailand last November, nais niyang balikan ang naturang lugar with his girlfriend, Jessy Mendiola.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Definitely Thailand is on the radar again. Nag-enjoy kami du’n, eh, sa mga ginagawa naming training (Muay Thai) and the fact that we get to relax, so it’s on the radar. For April and May, meron kaming mga beach trips planned.

Gumagawa kami ng time. I think that she’s very busy so we have to put in that extra effort to spend time with each other,” sabi ni Luis.

Sa mga hindi nakakaalam, madalas makipag-bonding si Jessy sa pamilya ng Family Feud host. Inilapit ni Luis si Jessy sa kanyang pamilya kaya feeling comfortable na ito sa pakikitungo sa kanila.

“Two Sundays ago we had dinner with the family. It’s casual, organic, no pretensions. Natural lang. Nagkukulitan, nagkukuwentuhan ng mga kalokohan. Ganyan kami ‘pag nagsama-sama na. I’m very, very happy. They’re getting along. Oo naman, sobra. We’re still fairly new. Kasi sabihin na lang natin the first time I got to hang out with her talaga was my birthday which was April 21 of last year. That’s the first time we got to sit down and hang out. So we’re fairly new,” kuwento ni Luis.

May katangian pala si Jessy na wala sa kanyang mga nakaraang relasyon.

“First time ko magkaroon ng ganito kalaking age gap. Kasi to be honest, I’m 35 and she’s 24 so that’s 11 years but it’s close to 12 because I’m turning 36 in April. I guess ‘yung different outlooks namin sa buhay matches. Bilang bata pa siya talaga iba ‘yung mentality niya. ‘Yung sa akin naman being on the old side, but we still get along.

Nakakagulat lang. You’d think na dahil bata ‘yan we’re not on the same wavelength, pero we are.

“Jessy is very, very thoughtful. In fact nagulat na nga ako nu’ng Valentine’s. Jessy sent flowers on her own kay Mommy. Ako, hindi ko nagawa, hindi ko nabigyan ng flowers ‘yun. Nagulat na lang ako, my mom sent me a message saying, ‘Please thank Jessy for me.’ Pero she also messaged Jessy,” masaya pang kuwento ni Luis. (ADOR SALUTA)