PURIHIN ang dapat purihin. Punahin ang dapat punahin. Huwag matakot sapagkat ang takot ay lalo lang magpapalakas-loob sa mga tiwali at salbaheng opisyal ng gobyerno. Ang pagpuri naman ay makabubuti upang lalo nilang pagsikapang makapaglingkod sa bayan na sinuyo at pinangakuan noong panahon ng kampanya.

Samakatuwid, karapat-dapat lang na purihin si President Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagkakaloob ng go-signal sa Social Security System (SSS) na ibigay sa may dalawang milyong SSS pensioners ang unang P1,000 na bahagi ng P2,000 SSS pension hike na dapat tanggapin ng matatanda, este ng mga pensiyonado.

Kahit papaano, ang dagdag na P1,000 ay makatutulong sa pagbili ng gamot (maintenance medicine), pagkain, serbisyo at iba pa. Malaki ang kontribusyon ng elderly o senior citizens sa bansa noong kanilang kalakasan at kabataan. Ngayon namang sila ay “nasa dapit-hapon” na ng buhay, kailangang tulungan sapagkat wala nang pinagkakakitaan. Mabuhay ka Mano Digong sa tulong mo sa kanila na ipinagkait ng nakaraang administrasyon!

Hindi lang pala si Pres. Rody ang mahilig magbanta (I will kill you) kundi maging si Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez. Binantaan niya ang mga mahistrado (Justices) ng Supreme Court, mga pinuno at committee chairman ng Kamara.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Binalaan niya ang SC justices na posibleng maharap sa impeachment complaint kapag sila ay nakialam sa mga proyekto ng pamahalaan, gaya ng pag-iisyu ng Temporary Restraining Order (TRO).

Partikular na tinukoy dito ni Speaker Bebot Alvarez ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Light Rail Transit (LRT) common station sa EDSA, Quezon City. Dalawang malaking negosyante sa Pilipinas ang kapwa may interes sa pagtatayo ng common terminal sa nasabing lugar sa lungsod ng Quezon.

Sa pagdinig ng House committee on transportation noong nakaraang Miyerkules, sinabihan ni Alvarez ang Department of Transportation (DoTr) na simulan na ang konstruksiyon ng common station ng MRT-LRT na malaki ang maitutulong sa maginhawang biyahe ng mga mananakay (commuters).

“Build that terminal, never mind those TROs. Just do it. It is a government project funded with money of the people.

Why they should issue a TRO? Let them try and we will impeach them. I am not joking,” pahayag ni Alvarez. Para sa taumbayan, hindi kanais-nais na attitude ito ni Speaker Bebot sapagkat may karapatan ang isang complainant sa pagtatayo ng common station na tumakbo sa SC at humingi ng kapasiyahan. Ano ba tayo ngayon, nasa demokrasyang bansa o diktaduryal na puwedeng takutin maging ang mga hukom?

Bukod dito, nagbanta rin siya na tatanggalin ang mga chairman ng komite at opisyal ng Kamara na hindi boboto sa death penalty bill. Kabilang sa bumoto ng “No” sa panukala na gusto ni PDu30 na maipasa ng Kongreso ay si Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, at mga kaalyado ng pangulo mula sa Makabayan Bloc at iba pang partido. Paano ang konsensiya?

Nagbanta si Duterte na magdedeklara ng martial law sa Mindanao kung hindi siya tutulungan ng mga lokal na opisyal doon upang masugpo ang terorismo at problemang-pansiguridad. Hinirang ni PRRD si DFA Usec. Enrique Manalo, isang career diplomat, kapalit ni DFA Sec. Perfecto Yasay, Jr. na ang kumpirmasyon ay tinanggihan ng Commission on Appointments dahil sa pagsisinungaling sa US citizenship. Binalewala lang ng Malacañang ang banta ni Sen. Antonio Trillanes IV na maaaring ma-impeach ang Pangulo dahil sa maraming paglabag sa batas, kabilang ang extrajudicial killings. (Bert de Guzman)