Nagdadalawang-isip si Pangulong Duterte sa pagtatalaga kay Senator Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa Pangulo, isang asset si Cayetano sa Senado at idinagdag na maaaring pansamantalang pamahalaan ang DFA ng isang acting secretary.

“Wala, hindi pa namin pinag-usapan,” pahayag ni Duterte sa mga mamamahayag nitong Lunes nang tanungin kung itatalaga niya si Cayetano bilang DFA secretary.

“But, you know, Senator Cayetano is a very brilliant man. He would be needed by the Senate. ‘Wag ninyong walain ‘yan.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Dito (DFA) p’wede namang acting-acting,” dagdag ng Pangulo.

Sa kabila nito, nangako kahapon si Cayetano na patuloy niyang susuportahan si Duterte at ang administrasyon nito.

“Nothing has changed… Dedicated pa rin akong maging successful ang administration na ito. Dedicated akong gawin ang trabaho ko kung saan man ako,” sabi ni Cayetano.

Aniya, nasa Gabinete man siya o wala ay iaalok pa rin niya ang kanyang tulong sa gobyerno, partikular upang maisulong ang mga legislative agenda ng Presidente.

Matatandaang si Cayetano ang ka-tandem ni Duterte nang kumandidato sa pagkapangulo ang huli noong nakaraang taon.

Matapos mahalal, inihayag ng Pangulo na napipisil niyang iupo bilang DFA secretary ang senador.

(Genalyn D. Kabiling at Hannah L. Torregoza)