CESAR AT PANGULONG RODY copy

NAGBIGAY ng pahayag si Cesar Montano, ang hinirang ni Pangulong Rody Duterte as Tourism Promotions Board (TBP) chief operating officer at pinasinungalingan ang mga alegasyon ng kanyang mga empleyado na may nagaganap na corruption sa kanyang opisina.

Ang complaint ay ibinigay sa Presidential Action Center (PACE).

Sa statement na inilabas ng kanyang tanggapan, sinabi ni Cesar na walang nakakaalam kung sino ang “TPB employees” na nagrereklamo at walang humaharap para magbigay ng mga ebidensya para suportahan ang mga akusasyon laban sa kanya.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“The allegations made against the Office of the COO, through a complaint filed anonymously, are baseless and untrue,” aniya.

Isang sangay na agency ng Department of Tourism ang TPB, at empleyado nito ang nag-file ng reklamo laban kay Cesar dahil diumano sa mga kuwestiyonableng kontrata at nepotismo.

Kasama rito ang diumano’y pagbibigay ng posisyon sa mga kamag-anak ng aktor na redundant o hindi na kailangan sa tanggapan at ang sinasabing unprofessional behavior ni Cesar.

Kasama sa reklamo ang P12 million na sponsorship sa overseas concert nina James Reid at Nadine Lustre, na agad nang pinabulaanan ng Viva Communications, ang namamahala sa career ng JaDine.

“Without proof, anyone can easily fabricate stories with the sole purpose of destroying the credibility of the agency and this administration,” depensa pa ni Cesar.

Kahit marami ang reklamo, patuloy pa rin ang paglilingkod niya sa TPB.

“Despite setbacks and political backlash, this office will continue to serve our countrymen and we thank everyone for their continued support,” pahayag ng aktor.

Nagpahayag din si Pangulong Duterte na patuloy nitong suportado si Cesar. (Ador Saluta)