Angelina copy

MAAARI nang idagdag ni Angelina Jolie sa kanyang resume ang pagiging propesor sa mahabang listahan ng accomplishments niya.

Noong Mayo, tinanggap ng aktres ang posisyon na “professor in practice” na walang bayad para sa postgraduate course na “Women, Peace and Security” sa London School of Economics. Sa pamamagitan ng kurso ay matutulungan ang mga tao sa pagbubuo ng estratehiya na magtataguyod sa hustisiya, karapatang pantao, at pakikilahok ng kababaihan sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa buong mundo.

Inihayag ni Jolie sa London Evening Standard na, “I’m a little nervous, feeling butterflies. I hope I do well. This is very important to me.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Nagsimula ang klase nitong Martes, at naging maayos naman ang lecture ni Joliie sa mga estudyante, at inilarawan suya ng mga ito bilang “wonderful.”

Bilang visiting professor, makikilahok din si Jolie sa mga public event at workshop at magsasagawa ng sariling field research.

Hindi na baguhan ang aktres sa nasabing field, dahil naglilingkod siya bilang goodwill ambassador sa United Nations High Commissioner for Refugees.

Bilang United Nations special envoy, ginamit ng aktres ang kanyang impluwensiya upang managawan at pumukaw ng atensiyon para sa mga refugee at sexual violence laban sa kababaihan at mga bata sa mga rehiyong may kaguluhan.

(Yahoo Celebrity)