Magpapatupad ang Department of Education (DepEd) ng Alternative Delivery Modes (ADM) sa sistema ng pormal na edukasyon sa elementarya at sekondarya upang makapag-aral ang lahat ng bata.

Ayon sa DepEd, layunin ng ADM na matugunan ang problema sa siksikang silid-aralan at iba pang sitwasyon, na humahadlang sa pagpasok at pananatili ng mga bata sa paaralan.

Ipatutupad ng DepEd ang Modified In-School/Off-School Approach (MISOSA) at Instructional Management by Parents, Community and Teachers (IMPACT) sa elementarya, at Open High School Program (OHSP) naman sa sekondarya.

(Mary Ann Santiago)

Catriona Gray: 'Sana dumating ang panahon na ang kalayaan ay hindi lang ipinagdiriwang tuwing June 12'