WASHINGTON (AFP) – Ibibigay ni Donald Trump ang kanyang taunang suweldo ($400,000) bilang pangulo sa isang charity sa katapusan ng taon, sinabi ni Spokesman Sean Spicer nitong Lunes – at nais niyang tulungan siya ng media sa pagpili ng karapat-dapat na adbokasiya.

‘’The president’s intention is to donate his salary at the end of the year,’’ sabi ni Spicer sa mga mamamahayag sa kanyang daily briefing. ‘’He made a pledge to the American people.’’

‘’He kindly asked that you all help determine where that goes,’’ dugtong niya.

Sa nakalipas, ipinagkaloob din nina Herbert Hoover at John F. Kennedy sa kanilang mga suweldo bilang pangulo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina