COTABATO CITY – Nagbigti sa puno ang isang mister matapos niyang tagain ang kanyang asawang overseas Filipino worker nang usisain siya nito sa paglulustay sa perang ipinadala nito sa kanya sa nakalipas na mga taon, sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon sa pulisya, tinaga ni Landy Gunsi Paulino, 31, ang asawa niyang si Leni matapos siyang kumprontahin ng misis kung nasaan na ang perang ipinadala ito para maipaayos ang kanilang bahay sa Sitio Green Hills sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, nitong Marso 10.

Malubhang nasugatan ang braso ng ginang nang sanggain niya ang bolo ng asawa, ayon kay Datu Odin Sinsuat Police chief, Chief Insp. Achmad Alibonga.

Nasugatan din ang umawat na kapatid at ama, kaagad na umalis ng bahay si Landy, na kalaunan ay natagpuang nakabigti sa puno malapit sa kanilang bahay. (Ali G. Macabalang)

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon