Handa umanong magbitiw sa tungkulin si Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatutunayang nagpabaya siya sa pagbabayad ng buwis.
Sa gitna ng katakut-takot na tanong tungkol sa kanyang yaman, sinabi ng Pangulo na maaaring busisiin ng publiko ang kanyang mga tax record sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at alamin kung hindi siya nagbabayad ng buwis.
“Anybody is free to go to the BIR at kung pareho kami nitong si Mighty…ano ‘yon, Mighty? Nag-e-evade ng taxes, tell me and if you cannot—we cannot answer it legally then I will resign,” pahayag ng Pangulo sa PDP-Laban party assembly sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.
“Kasi wala akong moral authority magbanat. Kagaya ng iba diyan. Susmaryosep,” dagdag ng Pangulo.
Tinukoy ni Duterte ang Mighty Corporation, na nahaharap sa tax evasion ang local tobacco manufacturer.
Matatandaang ipinag-utos pa niya ang pag-aresto sa may-ari ng kumpanya matapos makakuha ang mga awtoridad ng sandamakmak sa sigarilyo na may umano’y pekeng tax stamps. (Genalyn D. Kabiling)