IMAHE ng makapangyarihang babae ang mga Sang’gre ng Encantadia at hindi lang ito dahil sa kanilang mga brilyante.
Ipinapakita rin ng mga karakter na ito ang kakayahan at talino ng isang babae dahil sa kabila ng mga suliranin na kanilang sinusuong ay nabibigyan nila ito ng solusyon kahit pa naisasakripisyo ang kanilang mga personal na hangarin.
At dahil ipinagdiwang kamakailan ang International Women’s Day, hindi nagpahuli sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro sa pagpapahayag ng “Babae Power”.
Sa kuha sa kanilang magkakapatid na ipinost nila sa Instagram, ibinahagi nila ang kahalagahan ng pagiging babae at binati ang lahat ng kababaihang nagdiriwang nang araw na ‘yon. Avisala Sang’gre Alena, Hara Pirena, at Hara Danaya!