MANDAUE CITY, Cebu – Nasa P1.5-milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang sumiklab ang sunog sa compound ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Region 7 sa Barangay Banilad, Mandaue City, Cebu, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Mandaue City Fire Investigator, SFO2 Cipriano Codilla, Jr. natupok ng sunog ang dalawang two-storey building ng regional office sa Greenplains Subdivision, Bgy. Banilad, Mandaue City, bandang 3:00 ng umaga kahapon.

Sinabi ni SFO2 Codilla na nagsimula ang sunog sa gusali ng Integrated Coastal Resources Management Project (ICRMP) bandang 2:59 ng umaga at kumalat ang apoy sa mga kalapit na istruktura. Dakong 4:20 ng umaga nang naapula ang sunog.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?