CLEVELAND (AP) — Binitiwan ng Cleveland Cavaliers ang na-injured na si Andrew Bogut at ipinalit ang beteranong si Larry Sanders para punan ang huminang frontcourt.

Umaasa ang Cavs na magagampanan ng 6-foot-11 na si Sanders, umalis sa liga makalipas ang limang season sa Milwaukee bunsod ng pagkakadawit sa droga, ang papel sa depensa at rebound.

Kaagad na nagpahatid ng pagbati si Bogut kay Sanders sa pamamagitan ng mensahe sa twitter “Best of luck @l8show_thegoat Will be watching.”

Malamya ang kampanya ng Cavs tungo sa huling isang buwan ng regular season. Bagsak sila sa 2-5 karta sa buwan ng Marso.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“An athletic big guy, incredible shot-blocking skills, anticipation around the rim, can finish around the rim and block shots and being able to guard perimeter guys as well,” pahayag ni James, patungkol sa kakayahan ni Sanders.

“It looks like he wants another opportunity and hopefully if we’re the team, hopefully we give him an opportunity,” aniya. “Why not? Everyone deserves a second chance and it look like he wants to get back to playing the game he loves and hopefully this is his destination.”