Daan-daang magsasaka ang nagpiket sa harapan ng gusali ng National Irrigation Administration (NIA) Central Office, Quezon City kahapon upang tutulan ang pagkakatalaga kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Ricardo Visaya bilang administrator ng ahensya.

Binanggit ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairperson Joseph Canlas ang mga dahilan nila sa pagkontra sa appointment ni Visaya: Hindi pa nila nararamdaman ang libreng irrigation service fee (ISF); may kinalaman ang dating militar sa pamamaslang sa mga lider-magsasaka at aktibista sa Central Luzon at pang-aapi sa mga Lumad sa Mindanao.

“There is no way that we would allow Ricardo Visaya, a known violator of farmers’ rights to take helm at NIA,” ani Canlas. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'