Inaprubahan ng Senado kahapon sa ikatlo at pinal na pagbasa ang libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

Ang Senate Bill No. 1277 o ang Free Internet Access in Public Places Act, na itinaguyod ni Sen. Paolo “Bam” Aquino IV, ay nakakuha ng 18 boto, walang kumontra at walang nag-abstain.

Ang panukala ay magiging kabahagi ng inaprubahang plano ng gobyerno para sa P75 bilyong national broadband upang mapalakas ang Internet access sa buong bansa.

“Providing free wireless Internet access to our public is a step toward modernizing our country’s Internet connectivity. We thank Sen. Bam Aquino for pushing for the speedy passage of this landmark piece of legislation in the Senate,” sabi ni Pangilinan, may-akda ng panukalang batas.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa ilalim ng panukala, ang mga pampublikong lugar at opisina ng pamahalaan ay magkakaroon ng libreng sa wireless Internet. (Hannah L. Torregoza)