BATANGAS - Internal cleansing sa hanay ng pulisya ang isa sa mga prioridad ng bagong talagang police director sa Batangas.

Ayon kay Senior Supt. Albert Ocon, uunahin niyang linisin ang hanay ng kanyang pamunuan upang maayos na maipatupad ang mga batas.

Nakatutok din ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa pagpapatupad ng batas laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal.

Bukod sa pagpapatupad sa Oplan Double Barrel Reloaded, hindi rin umano isasantabi ng BPPO ang panghuhuli sa mga kriminal, ayon kay Ocon. (Lyka Manalo)

Probinsya

'Green-influencer' Celine Murillo, umalma sa panghihimasok ng 96 guwardiya sa Sitio Marihangin