GRAHAM RUSSEL AT RUSSEL HITCHCOCK copy

NAPANOOD ni Graham Rusell, one-half ng Australian singing duo na Air Supply (si Russell Hitchcock ang kalahati o lead vocalist) ang grand championship round ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime last Saturday sa pamamagitan ng YouTube. Ipinarating niya ang kanyang pagbati sa kauna-unahang “TNT” grand champion na si Noven Belleza, isang magsasaka mula sa Victorias City, Negros Occidental, na Air Supply medley ang naging winning piece.

Sa ipinadalang email ni Graham sa It’s Showtime host na si Amy Perez sa pamamagitan ni Danee Samonte, producer of the Air Supply concerts dito sa Pilipinas, sinabi ng Australian singer na very impressed ito sa napanood na performance ni Noven sa kanilang hit songs.

Tatlo sa pinasikat na mga awitin ng Air Supply ang ipinanlaban ni Noven sa finale – ang The One That You Love, Now and Forever, at Without You.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

 “Hindi ako makapaniwala. Nabago po talaga ang buhay ko dahil sa ‘Tawag ng Tanghalan.’ Thank you so much sa Showtime family, pamilya ko, kay Lord. ‘Di po ako makapaniwala na sa libu-libong nag-audition, ako po ang nanguna. Ang bait po talaga ng Diyos,” pahayag ni Noven nang manalo.

 Inawit niya ang May Bukas Pa sa unang round ng finals upang makapasok sa final three. Pinabilib at pinatayo naman niya ang audience, pati na ang lahat ng mga hurado, sa second round nang kantahin niya ang Air Supply songs.

 Ang 22 anyos na “Bukid Boy Wonder ng Negros Occidental” ang nakakuha ng pinakamataas na average score na 99.96% mula sa pinagsamang hurado scores at madlang people votes, at tinalo ang final three contenders na sina Sam Mangubat (49.09%) at Froilan Canlas (45.78%).

 Bilang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan,” iniuwi ni Noven ng P2 milyong cash, house and lot mula sa Camella, recording contract sa Star Music, musical instruments package mula sa JB Music, negosyo package, at family vacation package.

 Nag-uwi rin sina Sam at Froilan na nagwagi ng P500,000 at P250,000 at tig-P100,000 ang top 6 finalists na sina Pauline Agupitan, Carlmalone Montecido, at Marielle Montellano.

 Kahapon naman nagsimula ang “Tawag ng Tanghalan Kids” sa It’s Showtime, sa ABS-CBN pa rin. (ADOR SALUTA)