Inaprubahan ng House Committee on Women and Gender Equality ang mga pinagsama-samang panukala para amyendahan ang ilang probisyon ng Executive Order No. 209 Family Code of the Philippines upang mabigyan ng boses ang kababaihan.
Ayon kay Rep. Emeline Aglipay-Villar, pinuno ng komite, layunin ng mga panukala na maitama ang hindi pantay na pagtingin sa kasarian sa usapin ng kasal at pamilya, na mas pinahahalagahan ang desisyon ng lalaki kaysa babae.
“These bills that we have filed aim to amend these provisions which appoint the father as the final arbiter,” ani Aglipay-Villar. (Bert De Guzman)