Sa nalalapit na pagtatapos ng mga klase sa iba’t ibang paaralan, muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na panatilihing simple ngunit makabuluhan ang graduation rites.
Sa inisyu nitong Department Order (DO) No. 8, series 2017, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na mahalagang gawing simple ang mga graduation upang hindi na ito makadagdag sa gastusin ng mga magulang.
Paalala pa ng DepEd sa lahat ng pampublikong paaralan, ang mga gastusin sa graduation activity ay dapat i-charge sa School Maintenance and Operating Expenses (MOOE) ng kanilang 2017 budget.
“Graduation rites should be simple but meaningful which encourage civil rights, a sense of community and personal responsibility,” ayon kay Briones. “While these rites mark a milestone in the life of the learners, these should be conducted without excessive spending, extravagant attire, or extraordinary venue.” (Mary Ann Santiago)