Christina copy

IPINAGDIWANG ng pamilya ni Christina Grimmie ang dapat sana’y ika-23 kaarawan niya sa pamamagitan ng special video na ibinahagi nila sa kanyang mga tagahanga.

Mapapanood sa video si Christina bilang isang animated superhero, at tampok ang kanyang awiting Invisible, na inilabas nitong nakaraang buwan. “As many of you know, Christina LOVED video games and had a special fondness for anime,” ibinahagi ng pamilya ni Grimmie sa YouTube. “We created this video as a special tribute to honor that love and her desire to always bring light and love into the heart of others.”

Nag-post din ang kapatid ng singer na si Marcus Grimmie ng screenshot sa Instagram mula sa madamdaming video, at nilagyan ng caption na: “I know you would love this sis.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Siyam na buwan na ang nakalilipas nang barilin si Grimmie sa Plaza Live theater sa Orlando, Florida, sa meet-and-greet sa kanyang mga tagahanga. Habang pumipirma ng autograph, binaril ng dalawang beses ni Kevin Loibl ang mang-aawit, na agad niyang ikinasawi.

Kabilang sa nagbigay ng tribute nang pumanaw si Christina sina Selena Gomez at ang mga coach ng The Voice na sina Blake Shelton at Adam Levine. Hindi rin napigilan ni Selena na mapaiyak nang magsalita siya tungkol sa kanyang kaibigan sa kanyang concert sa Miami. (ET Online)