HINDI umubra ang schedule ni Cong. Vilma Santos-Recto sa first meeting ng mga miyembro ng executive committee ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya nagpadala na lang siya ng representative.

Gusto mang dumalo ni Ate Vi sa unang paghaharap-harap ng mga bagong miyembro ng execom ng MMFF ay hindi siya nakarating dahil may aberyang nangyari.

Binanggit ni Cong. Vi na tinanggap niyang maging bahagi ng MMFF dahil nami-miss niya ang movie industry, at hindi kaila sa kanya na pawang mga kasamahan niya sa industriya ang co-members. Parte na ng buhay niya ang showbiz at may malaking utang niya rito ang anumang naabot niya ngayon.

“Sisikapin kong maging present sa meetings na alam kong merong mahalagang pag-uusapan,” sey ni Ate Vi.

Tsika at Intriga

Delikado mga pogi? Migs Bustos dumulog sa NBI, ginamit mukha sa 'love scam'

Samantala, may isang script na siyang pinag-aaralan ngayon at umaasa siyang matuloy ang muling paggawa niya ng pelikula.

Pero hindi kaya maunsiyami ang muling pagharap niya sa mga kamera ngayong may lumabas na isyung malaki raw ang posibilidad na magkakaapo na siya kay Luis courtesy of Jessy Mendiola?

Sa kasabikan niyang magkaapo, tiyak na isasantabi muna niya ang showbiz at ang pag-aalaga sa apo ang aatupagin.

“Pero teka, hindi ko alam kung ano at kung paano magkaapo. I don’t know. Baka mag-iba ng priorities ko, pero sa totoo lang, eh, excited na rin talaga akong magkakaapo,” napatawang bangit ni Ate Vi.

Natatawa pero seryoso niyang binanggit na naghahanap na nga raw siya ng alagaang baby. Pero hindi naman daw niya minamadali sina Luis at Jessy.

“Hindi ako nakikialam sa dalawa pero masaya naman sila,” sey ng Star for All Seasons.

Pero ano naman ang masasabi niya sa binanggit ni Luis na malapit na raw siya nitong mabigyan ng apo?

“Well, kung andiyan na, eh, masaya pero buhay na ni Luis ‘yan. Nandito ako para sumuporta lang. Basta nakikita ko silang pareho na masaya, eh, mas masaya ako para sa anak ko,” banggit pa ni Ate Vi. (JIMI ESCALA)