ISULAN, Sultan Kudarat – Patay ang isang ama at dalawa niyang anak makaraang masunog ang kanilang bahay sa Barangay Bagundang, General Salipada Pendatun sa Maguindanao, pasado 9:00 ng gabi nitong Linggo.
Palaisipan sa pulisya, maging sa mga kapitbahay, ang sinapit ni Meanong Kali, nasa hustong gulang, driver ng habal-habal at may asawang overseas Filipino workers, at ng dalawa niyang anak na hindi kinilala.
Ayon sa mga residente, wala silang alam na may kaaway si Kali, bukod pa sa nakita nilang nasa labas ng bahay ang motorsiklo—na maayos na nakatali sa punong mangga—at ang mahahalagang gamit ng mag-aama. (Leo P. Diaz)