KUALA LUMPUR (PNA/Xinhua) – Sinabi ng Malaysian police kahapon na inaresto nila ang pitong suspek, kabilang ang limang Pilipino at isang Malaysian immigration officer, na may kaugnayan sa Islamic State (IS).

Ang unang suspek na Pinoy, may permanent residence sa Malaysia, ay natuklasang nagbigay ng pondo para sa mga puganteng Malaysian na sina “Dr. Mahmud Ahmad” at Mohamad Joraimee Awang Raimee, na umanib sa IS sa katimugan ng Pilipinas bilang mga recruiter ng teroristang grupo, ipinahayag ni Khalid Abu Bakar, Inspector-General ng Malaysian police.

Dalawa pa ang pinaghihinalaang tumulong sa pagbiyahe ng tatlong Indonesian na kasapi ng IS patungong Mindanao mula sa Sabah, Malaysia, ani Khalid.

Naniniwala ang pulisya na ang naarestong Malaysian immigration officer ang tumulong sa pagsasaayos sa biyahe ng ilang teroristang suspek patungong Mindanao nang walang mga lehitimong dokumento.

National

Amihan, shear line, magpapaulan sa malaking bahagi ng PH

Naaresto ang mga suspek sa serye ng mga counter-terrorism operation simula nitong Miyerkules hanggang Linggo sa Sabah at Selangor, ani Khalid.