Sabay-sabay dinampot ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibiduwal na gumagawa ng mga pekeng pera.

Kinilala ni NBI Intelligence Service Deputy Director Sixto Burgos ang mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo.

Dahil sa pinagsanib na puwersa ng NBI-Counter Terrorism Division (NBI-CTD) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naging matagumpay ang operasyon sa LRC Compound in Sta. Cruz, Maynila nitong Marso 10.

Nakuha mula sa mga suspek ang 23 piraso ng pekeng P1,000, apat na piraso ng pekeng P500 at mga paraphernalia gaya ng scanner at printer.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon kay Deputy Director Maja Gratia Malic ng BSP isang informant ang nagsabi sa awtoridad tungkol sa operasyon ng mga suspek.

Nakatakdang kasuhan sina Ansus, Cuatico at Pablo ng paglabag sa Revised Penal Code (RPC) Article 168 at Article 176.

(Jeffrey G. Damicog)