BEIRUT (AP) — Inako ng isang grupong kaalyado ng al-Qaida ang kambal na pagsabog malapit sa mga holy shrine na madalas puntahan ng mga Shiite sa Damascus, ang kabisera ng Syria, na ikinamatay ng 40 katao.

Sa pahayag ng Levant Liberation Committee, pinuntirya ng dalawang suicide attacker ang pro-Iranian at pro-government militiamen. Kinilala nito ang mga salarin na sina Abu Omar at Abu Aisha.

“Iran and its militias have, from the start of the revolution, supported the tyrannical and criminal regime and have been killing and displacing our people,” saad sa pahayag ng grupo. “This is a message to Iran and its militias that the right will not go wasted.”

Pinanindigan ng Syrian government na 40 katao ang namatay sa mga pag-atake. Gayunman, itinaas ng Britain-based Syrian Observatory for Human Rights sa 74 ang tinatayang nasawi nitong Linggo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture