Dalawampu’t tatlong segundo lamang ang kinailangan ni dating WBC No. 3 flyweight Rey Megrino upang patulugin si one-time OPBF bantamweight title challenger Yuki Strong Kobayashi ng Japan sa super bantamweight bout nitong Sabado sa Hong Kong Convention and Exhibition Center, Hong Kong, China.

Ipinapalagay na isa sa pinakamabilis na TKO sa kasaysayan ng boxing, inaasahang aangat sa WBC rankings si Megrino na kasalukuyang nasa No. 40 sa bantamweight division pagkatapos maitala ang 9-0-1 marka, tampok ang walong TKO.

Nagsilbing undercard ang laban nina Megrino at Kobayashi sa pagdedepensa ng Hong Kong boxing idol at undefeated na si Rex Tso na pinatulog sa 8th round si two-time world title challenger Hirofumi Mukai ng Japan para mapanatili ang kanyang WBC International at WBC Asian Boxing Council super flyweight titles at maangkin ang WBO Asia Pacific crown.

Sa iba pang laban, tiyak na babalik sa world rankings si Mark Anthony Geraldo matapos talunin sa 10-round unanimous decision ang kababayang si Kenny Demecillo para mahablot ang WBO Oriental bantamweight title kaya tiyak na papasok bilang contender ni WBO bantamweight champion Marlon Tapales na isa ring Pilipino.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!