120317_Graduation Rites_10_Comanda_PAGE 2 copy

Hindi na naman malilimutan ang muling pagtatagpo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo, na tinampukan ng pagkakamayan, paghingi ng paumanhin ng presidente, at ilang halakhakan.

Humingi ng paumanhin ang Pangulo kay Robredo makaraang hindi mabanggit ang pangalan ng huli sa inihanda niyang talumpati sa Philippine Military Academy (PMA) graduation rites sa Baguio City kahapon.

Piniling gawing katatawanan ang insidente, nag-alok pa si Duterte na bubugbugin niya ang nagsulat ng speech dahil sa pagkakatanggal nito sa pangalan ni Robredo sa matataas na opisyal ng gobyerno na dumalo sa seremonya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Bagamat napapagitnaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, nagsama sa entablado kahapon ang dalawang pinakamatataas na pinuno ng bansa, na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakalipas dahil sa usaping pulitikal, para sa pagtatapos ng PMA Salaknib Class of 2017.

“I apologize, ma’am. It was not done,” sinabi ni Duterte nang pansamantalang itigil ang kanyang speech. “Ang nagsulat, ma’am, dito hindi ka isinali. Bugbugin na lang natin,” dagdag niya, na umani ng tawanan ng mga nanonood.

Kaagad namang bumawi si Duterte sa Bise Presidente: “I would like to apologize and acknowledge the presence of this beautiful lady, the Vice President of the Republic of the Philippines.”

Pinalakpakan si Duterte dahil sa ginawa niya, bago muli siyang bumaling kay Robredo: “Sorry, ma’am, ha? Nawala na ako tuloy, ma’am.”

Sa pag-akyat sa entablado ay binati ni Duterte si Robredo at kinamayan ito.

Ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama sa publiko sina Duterte at Robredo ilang buwan makaraang magbitiw ang huli sa gabinete noong Disyembre. (Genalyn D. Kabiling)