digong copy copy

Nangako ang babaeng kadete na nanguna sa Philippine Military Academy (PMA) Salaknib (Sanggalang ay Lakas at Bukay Para sa Kalayaan ng Inang Bayan) Class of 2017 na nagtapos kahapon sa Fort del Pilar, Baguio City, na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mapaglingkuran ang mamamayan at ang kanyang bayan.

Sa talumpati na kanyang inilahad sa PMA gradtuation rites, sinabi ni Navy Ensign Rovi Mariel Valino Martinez na obligado siya at ang mga kapwa niya bagong kadete sa mamamayang Pilipino at sa bansa na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang maglingkod nang may karangalan at dignidad.

“To the Filipino people, whom we have pledged to serve with honor and integrity utang namin ang lahat ng ito sa inyo,” sinabi ni Martinez, na nagmula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“We will strive to become the best officers who are worthy of your respect and trust. We vow as young leaders of the Armed Forces of the Philippines (AFP) to always serve you and country,” ani Martinez.

Bilang pinakamahusay sa kanyang klase, tinanggap ni Martinez mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Saber Award, Philippine Navy Saber, Cum Laude Academic Group Award, Social Sciences Plaque, Navy Professional Courses Plaque, Jusmag Award, AGFO Award, Spanish Armed Forces Award, at Australian Defence Best Overall Performance Award.

Opisyal nang miyembro si Martinez ng Philippine Navy.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat din sa Diyos si Martinez sa pagbibigay sa kanya ng katatagan upang mapagtagumpaya ang apat na taon niya sa akademya.

“Wala kami ngayon sa inyo harapan kung hindi dahil sa Kanya kaya naman lahat ng papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa Kanyang dakilang pangalan,” ani Martinez.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga magulang, ang kanyang ate, mga tiyuhin at tiyahin na buong-buo ang suporta sa pagsabak niya sa buhay-militar.

Samantala, tinanggap ni Cadet First Class Philip Modestano Viscaya, ng Ligao City, Albay, mula kay Vice President Leni Robredo ang Vice Presidential Award bilang salutatorian. Sa Philippine Army siya maglilingkod.

Sinabi naman ni PMA Spokesman Lt. Col. Reynaldo Balido na bukod kay Martinez, may pito pang babaeng kadete ang nasa Top 10 ng Salaknib Class 2017: sina Cadet First Class Eda Glis Buansi Marapao (ikatlo), CFC Cathleen Jovie Santiano Baybayan (ikaapat), CFC Sheila Joy Ramiro Jallorina (ikaanim), CFC Sheila Marie Calonge De Guzman (ikapito), CFC Joyzy Mencias Funchica (ikawalo), CFC Resie Jezreel Arrocena Hucalla (ikasiyam), at CFC Catherine Mae Emeterio Gonzales (ikasampu).

Ikalima naman sa Top 10 si CFC Carlo Emmanuel Manalansan Canlas. (FRANCIS T. WAKEFIELD)