Iza copy copy

KAILAN kaya ipalalabas ang pelikulang Bliss ng TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, Artikulo Uno Productions) na nagpanalo kay Iza Calzado ng Best Actress (Yakushi Pearl Award) sa 2017 Osaka Asian Film Festival nitong nakaraang Sabado?

Ang Bliss ay mula sa direksiyon ni Jerrold Tarrog na siya ring direktor ng Heneral Luna ni John Arcilla na nakakuha rin ng maraming awards.

Dapat nang ipalabas kaagad ng TBA ang Bliss habang mainit pa sa kamalayan ng Pinoy moviegoers ang pagkakapanalo ni Iza tulad ng ginawa ng Idea First Company na ipinalabas agad ang Die Beautiful nang manalo rin si Paolo Ballesteros ng Best Actor sa Tokyo International Film Festival noong nakaraang taon, kaya kumita nang husto sa Metro Manila Film Festival 2016.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sabi ni Iza sa kanyang pasasalamat, “Thank you so much to the Osaka Asian Film Festival for this award. Thank you to the jury members, for selecting me. I am very happy and proud to represent my country, the Philippines, and our film Bliss. Thank you to my director, Jerrold. Thank you to our Filipino crew for all the moral support.

“I share this award with all the other brilliant performers who are part of the other films especially Alex (Alessandra de Rossi, sa pelikulang Kita Kita).

“I would like to say a special thank you to my parents who are watching above in heaven and I feel their presence (Lito Calzado at Maria Antonia Ussher).

And thank you so much for motivating me to continue honing my craft and being an actor.”

Samantala, pinuri ni Piolo Pascual ang aktres sa kanyang IG account.

Post ng aktor, “Our very own @missizacalzado accepting her award as best actress for the movie Bliss by Jerrold Tarog at the recently concluded Osaka Asian filmfest 2017 congrats B! You made us proud”

Walang natanggap na award ang mga pelikulang Kita Kita nina Empoy at Alessandra na produced ng Spring Films at Tisay na pinagbibidahan nina Nathalie Hart at JC de Vera mula sa Cinema One Originals. (Reggee Bonoan)