NAIROBI, Kenya (AP) — itinigil ng International Olympic Committee (IOC) tulong pinansiyal sa Kenya nitong Sabado at inaasahang mapatawan ng banned sa gaganaping executive board meeting sa susunod na linggo.
Ang pahayag ng IOC ay lumabas matapos balewalain ng National Olympic Committee of Kenya, na pinamumunuan ni two-time Olympic champion Kip Keino, ang kagustuhan ng IOC na baguhin ang kanilang constitution.
Tampok na agenda ang Kenya sa IOC board meeting sa Pyeongchang, South Korea, sa Huwebes kung saan inaasahang ibaba ang desisyon laban sa kanila.
"The IOC is extremely disappointed by the outcome of the NOC extraordinary general assembly which did not address governance issues in the appropriate way," pahayag ng IOC.
Sa kasalukuyan, ipinag-utos ng IOC na i-hold "all payments of subsidies to the NOC of Kenya.”
Sakaling ma-banned, hindi na makalalahok ang Kenya sa Olympics o sa iba pang international tournament na pinangangasiwaan ng IOC. Kinatatakutan ang Kenya sa track and field, higit sa marathon at middle distance run.