Nagpahayag kahapon ng suporta si Pangulong Duterte kaugnay ng paggamit ng contraceptives upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis at kanyang inilingan ang aborsiyon.

Ayon kay Duterte, isa siya sa mga sumusuporta sa family planning ngunit hindi siya sang-ayon sa aborsiyon.

“So it becomes an incongruity na patayin mo ‘yung bata sa loob to prevent pregnancy so there is no life at all. But if you kill a living thing there inside, I agree with you with the conclusion it’s gonna be murder,” aniya sa isang ambush interview sa Baguio City.

Sinabi ni Duterte na ang aborsiyon ay labag sa batas kaya hindi umano niya maunawaan ang mga taong sumusuporta rito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idinagdag niya na dahil hindi naiiwasan ang pakikipagtalik, mas makabubuti pang gumamit ng contraceptives upang maiwasan ang pagbubuntis kaysa sundin ang calendar method.

“Alam mo iyang instinct, ‘yang sex. The need. Instinct iyan hindi mo mapigilan. You cannot postpone your libido (for) next week. Think about it,” sabi ng Pangulo.

“Ano ito? Klase na may bagyo, postponement? You are crazy scheduling the sexual instinct of a human being,” dugtong niya.

Aniya, mas maganda nang umiwas sa hindi inaasahang pagbubuntis kaysa pagdusahan ng bata ang “agony and suffering that he has to undergo in this life.”

“Naawa ako sa tao na lumabas siya, walang gatas. So the brains have to start malfunction. No nutrients, walang mabuting pagkain, underfed and malnourished,” sambit ng Pangulo.

Kaugnay nito, nagpahayag din ang Pangulo ng suporta sa Department of Health (DoH) kaugnay ng pamimigay ng mga condom sa mga estudyante.

Matatandaang plano ng DoH na mamahagi ng condom sa mga eskuwelahan bilang aksiyon sa tumataas na bilang ng HIV-AIDS cases sa bansa ngunit ito ay binatikos. (ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS)