Pinuri ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang 54 na mambabatas na tumutol sa death penalty bill at sinabing karapat-dapat na tawaging “honorable” o marangal ang mga ito dahil sa paninindigan para sa buhay.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (ECMIP), kapuri-puri ang ipinairal na prinsipyo, pananalig at pagsunod sa mga turo ng Simbahang Katoliko ng mga naturang mambabatas.

Paliwanag niya, kumontra ang mga ito kahit pa manganib o mawala ang kanilang mga posisyon at iba pang pribilehiyo sa Mababang Kapulungan.

Aniya pa, ang pagboto ng “no” sa death penalty bill ay nagpapakita na may konsensiya at takot sa Diyos ang mga naturang kongresista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na kabilang sa mga mambabatas na bumoto kontra sa death penalty bill sina House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto. (Mary Ann Santiago)