Inihayag ng opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)-Nueva Ecija sa publiko na hindi dapat na magtagal ang mga barya sa alkansiya.
Sinabi ni Teresa Ramoso, ng BSP-Nueva Ecija, na dapat na ipambili o ideposito sa bangko ang mga barya, na ginawa upang ipanukli kaya mahalagang nasa merkado ito.
Nananawagan din si Ramoso laban sa pagtatapon ng mga barya, o pag-iimbak nito sa mga kahon o alkansiya, dahil importante ang mga ito sa mga palengke, tindahan at pasahe.
Dagdag pa ni Ramoso, sapat ang barya sa bansa pero nagmumukhang kapos dahil hindi nagagamit ang iba sa pagkakaimbak sa mga alkansiya. (Light A. Nolasco)