Nagbabala kahapon ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mararanasang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Bicol sa gitna ng matinding init ng panahon.

Paliwanag ni Gener Quitlong, weather specialist ng PAGASA, epekto lamang ito ng buntot ng cold front.

Sa bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, sinabi niyang makararanas ng manaka-nakang pag-ulan na bunsod ng amihan.

Simula ngayong Lunes hanggang Huwebes ay pansamantalang hindi mararanasan ang epekto ng amihan, ngunit babalik din ito sa Biyernes at magpapatuloy hanggang sa susunod na linggo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nilinaw naman ng PAGASA na wala itong namamataang low pressure area (LPA) sa labas at loob ng Philippine area of responsibility (PAR) hanggang kahapon. (Rommel P. Tabbad)