MOOG ang ugnayan, sa pamamagitan ng sports ng mga bansa sa Asean region at ang isinagawang ‘ Rising Together Baton Run’ kahapon ang patunay sa maalab na kooperasyon at pagkakaisa.
Mismong si Ambassador of Malaysia to the Philippines H.E. Dato Raszlan Abdul Rashid ang nagbigay ng kasiguraduhan na kaisa ng bansa ang Malaysia sa sports at sa mga programang isinusulong ng bagong administrasyon.
“We’re very happy. We expressed our gratitude with your warmest welcome and once again we’re touch with the Filipino hospitality,” aniya.
Ang Baton Run na nagsimula sa Malacanang kung saan kabilang sa nakiisa si Presidential Spokesman Ernesto C. Abella ay bahagi ng programa para palakasin ang kampanya sa gaganaping 29th Southeast Asian Games at 9th Asean Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.
Sinimulan ni Rio Olympics weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang pagdala sa baton na kalauna’y ipinasa kina Olympian Joy Tabal, Marestela Torres at Paralympic table tennis bronze medalist Josephine Medina.
Sa huli, ipinasa ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang baton sa kinatawan ng bansang Laos.
“It’s symbolizes unity and cooperation among Asean nation. Hopefully, makapaghanda rin tayo ng husto sa ating SEAG hosting sa 2019,” pahayag ni Ramirez.