Maaari nang matupad ang pangarap ng 47 overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong at Macau na makapagtrabaho sa gobyerno sa kanilang pagbabalik-bansa matapos silang pumasa sa pagsusulit ng Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad sa CSC advisory na 47 sa 953 kumuha ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Hong Kong, o 4.93%, ang pumasa at iisyuhan ng Certification of Eligibility.

Nobyembre nang isagawa ang CSE-PPT sa Kowloon, Hong Kong. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador