Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi maaaring ikompromiso ng Simbahan ang prinsipyo at paninindigan nito sa usapin ng Oplan Tokhang.
Ito ang nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECL), matapos tanggihan ang imbitasyon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na sumama ang mga pari sa “Oplan Double Barrel: Reloaded”.
Iginiit ni Pabillo na ang Tokhang ng gobyerno ay “connected with extrajudicial killings” kaya hindi sila maaaring makiisa rito.
Nilinaw din ni Pabillo na hindi mapagkakatiwalaan ang gobyerno sa anumang kasunduan dahil sa paiba-ibang sinasabi ni Pangulong Duterte, gayundin ng PNP chief sa kampanya kontra droga. (Mary Ann Santiago)