NOVEN-3 copy

AS expected, trending ang grand finals ng “Tawag ng Tanghalan”.

Ito ang tinutukan at hottest topic kahapon ng televiewers/netizens na panay ang palitan ng mga opinyon habang inaabangan ang tatanghaling grand champion.

Noong mga unang bahagi ng palabas, ang nababasa namin sa aming timeline ay isa raw kina Pauline Agupitan, Carlmalone Montecido, Sam Mangubat at Marielle Montellano ang mag-uuwi ng titulo.

Human-Interest

Dating tindero ng isda sa Quiapo, sikat na filmmaker na sa Dubai!

Anyway, ang mga hindi nanalo simula sa top 7 ay magkakaroon naman daw ng career, sabi mismo ng mga taga-Showtime dahil lahat sila magagaling.

Kung sabagay, hindi talaga dapat basta-basta na lang pinapakawalan ang runners-up dahil kung sino pa ‘yung grand winner ay kadalasang nauunahan pang sumikat ng pumangalawa o pumangatlo. Perfect example si Charice Pempengco na nakilala sa buong mundo kumpara kay Sam Concepcion na nanalo sa Little Big Star Season 1 noong 2006.

Ganoon din sa The Voice first season na si Mitoy Yonting ang grand champion, pero mas sikat sa kanya sina Klarisse at Morissette. Sabagay, artista naman ang bagsak ng una na kasama ngayon sa Home Sweetie Home sitcom.

Sa ikalawang season ng The Voice ay nanalo naman si Jason Dy na hindi rin masyadong mainit ang singing career ngayon.

Sa katunayan, mas naririnig pa namin ang pangalan ni Daryl Ong na ang awiting Ikaw ay kasama na sa soundtrack album ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Going back to ‘TNT’, si Sam ang bet namin dahil napahanga niya kami sa awiting Kilometro ni Sarah Geronimo na klaro ng lyrics nang kantahin niya with matching sayaw pa at may pormang manamit. Kaya may pakiramdam kami na hindi man nanalo, mapapasama siya sa ASAP. (Reggee Bonoan)